Paano ang application process at pagkuha ng loan?
-
​Punan ang application form -Kumpletuhin ang form na kailangan para mag-apply ng loan​
-
Hintayin ang aming tawag - Maghintay ng tawag mula sa aming team para sa karagdagang impormasyon at susunod na hakbang
-
Ipasa ang mga Kailangan na Dokumento - i-sumite ang mga dokumentong kinakailangan tulad ng valid ID, proof of income, at iba pa
-
Maghintay na isagawa ang verification - Isasagawa ang pag-verify ng impormasyon at background check
-
Kunin ang Iyong Loan - Kapag naaprubahan, maaari mo nang kunin ang iyong loan sa branch na pinakamalapit sa'yo.
​
​
Ano ang mga requirements?
Para makapag-apply, kailangan ng mga sumusunod na requirements:
-
Photocopy ng Valid ID (Government-issued ID tulad ng UMID, Driver’s License, o Passport)
-
Community tax certificate (Cedula) ng humihiram at co-maker sa loan na P50,000 pataas
-
Proof of Billing
-
Picture ng humihiram (1pc. 2x2 at 1 pc. 1x1)
-
Iba pang dokumentong maaaring hingin depende sa uri ng loan o serbisyo na ina-applyan.
May limitasyon ba ang halaga ng loan na puwedeng i-apply?
Oo, ang maximum na halaga ng loan na maaaring i-apply ay depende sa iyong kakayahang magbayad, uri ng loan, at sa mga patakaran ng aming programa. Ang eksaktong halaga ng loan na maaari mong makuha ay matutukoy sa panahon ng loan process at verification.
Magkano ang Interest Rate?
Depende sa Loan Program, ang interes ay naglalaro mula 3% Diminishing (OB) hanggang 5% Diminishing (OB), o 1.71% hanggang 2.95% kada buwan
Puwede bang mag-apply kahit walang collateral?
Oo, mayroon kaming mga loan na hindi nangangailangan ng collateral. Ang bawat loan ay may kani-kaniyang terms at kondisyon, Ito ay ipapaliwanag sa inyo ng aming loan officer sa panahon ng loan application process upang malaman ang mga opsyon na angkop sa iyo.
Kailangan ko bang magkaroon ng co-maker o guarantor?
Oo, para mas mapadali ang pag-apruba ng iyong loan. Narito ang ilang guidelines sa pagpili ng co-maker:
-
Hindi Kasama sa Bahay: Ang co-maker ay dapat na isang taong hindi nakatira sa parehong bahay mo.
-
May Maayos na Credit Standing: Ang co-maker ay dapat may magandang credit history at walang record ng default o hindi pagbabayad ng utang.
-
May Sapat na Kakayahang Magbayad: Ang co-maker ay dapat may sariling kakayahang magbayad kung sakaling hindi mo mabayaran ang iyong loan.
-
Handang Pumirma ng Kontrata: Ang co-maker ay dapat pumirma sa mga kinakailangang dokumento at sang-ayon sa kanyang responsibilidad bilang guarantor.
Anong uri ng negosyo ang kwalipikado para sa Negosyante Loan?
Ang Negosyante Loan ay bukas sa iba't ibang uri ng negosyo, kabilang ang sari-sari store, food business, online selling, at iba pa. Ang mahalaga ay may maipapakitang proof of business tulad ng business permit o barangay clearance.
Ano ang mga oras ng operasyon ng mga branch?
Ang oras ng operasyon ng aming mga branch ay karaniwang mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
Paano ko malalaman kung na-approve na ang aking application?
Makakatanggap ka ng tawag o text mula sa aming loan officer na nagsasabing na-approve na ang iyong loan.
Gaano Katagal ang pag proseso ng Loan?
Depende ito sa uri ng loan at pagkumpleto ng mga requirements. Karaniwan, umaabot ng 3-5 araw ng trabaho ang pagproseso ng aplikasyon, ngunit maaari rin itong mas mabilis kung kumpleto ang mga dokumento.
Ano ang mga paraan ng pagbabayad ng loan?
-
Puwedeng bayaran ang loan sa ASKI branch, o sa pamamagitan ng ECpay na makikita sa halos lahat ng kilalang convenience stores tulad ng 7-Eleven, Alfamart, at iba pa. Maaari ring maghanap ng pinakamalapit na merchant sa iyo kung saan ka maaaring magbayad gamit ang link na ito: https://www.ecpay.com.ph/locate-an-outlet.
-
Maaari ring magbayad gamit ang Gcash para sa mas mabilis at maginhawang transaksyon.